"Anong nangyari sa iyo, Summer? Kadugo mo ako pero hindi mo ako makilala?" madamdaming wika ng Tita Karen niya.Kung hindi niya lang nalaman ang totoo, baka naawa pa siya sa tiyahin."Inuulit ko, hindi kita kilala. Baka nababaliw ka na sa pagkawala ng tinutukoy mong Summer," malamig niyang sagot."Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw si Summer Suarez."Pinipilit pa rin siya nito na siya si Summer Suarez. Totoo naman iyon, ngunit dahil nagkukunwari siyang wala pang maalala, hindi siya maaaring umamin."Sorry, pero Summer Adams ang pangalan ko. Baka ikaw ang may amnesia. May suggestion ako iumpog mo ang ulo mo, baka maalala mong hindi ako si Summer Suarez," mapang-uyam niyang wika.Hindi niya na kayang magpanggap na natatakot. Gayunpaman, pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magpadalos-dalos at baka mahalata agad nito na bumalik na ang alaala niya. Tinalikuran niya ang tiyahin at palihim na napangisi."Honey, saan ka pumunta? May kinausap lang ako, nawala ka agad," nakasimangot na wika
Magbasa pa