Hind pa din matigil ang pasimpling mga pagtawa ng dalaga sa tuwing nakikita nito ang kanyang nobyo, hindi pa din s'ya makapaniwala na nahimatay si Creed ng dahil lamang na labis na tuwa nito dahil sa kanyang pagtanggap bilang nobyo sa binata. Kahit noong nasa sasakyan na sila papunta sa amusement park--- kung saan ni Freya gustong mag-date silang dalawa ng kanyang nobyo ng opisyal sa unang pagkakataon, ay hindi pa din matigil ang mahihinang hagikgik ni Freya."Stop laughing, Moya Lyubov'. You are being mean to me," Nakasimangot nang saad ni Creed sa kanyang nobya na kanina pa itong inaasar."Wala naman akong sinasabi, Hunter," sagot din naman ng dalaga ngunit pilit na kumakawala sa maganda nitong mukha ang kanyang mga pag-ngiti."Yeah. Yeah. Whatever you say, MoyaLyubov'," Sagot na lamang ng binata sa dalaga,Nakangiti naman lumapit si Freya sa mukha ng binata at pinatakan ng halik ang pisngi nito bago muling nagsalita, "hindi na, Hunter. I'm sorry." paghingi ng tawad ni Freya dito
Read more