Nakangiti akong pumasok sa airport dahil kay Elijah. Pero nang makita ko sina Mama na seryoso at mukhang galit, nawala ang ngiti ko. Kunot ang noo kong lumapit sa kanila. Kuya Darius looked mad. He was just trying to restrain himself for our mother.“What happened?” tanong ko nang makalapit sa kanila.“Let's go,” sabi ni Papa, hindi na ako sinagot. Inalalayan niya si Mama na parang nanghihina pa rin.“Kuya, what happened?” baling ko kay Kuya dahil hindi ako sinagot ni Papa. Pero pati siya ay hindi rin ako sinagot.Sumunod ako sa kanila na gulong-gulo. Hindi ko alam kung bakit kami babalik ng France.“Mama, you literally just arrived this morning. What happened?” tanong ko ulit.“Devina, not now,” baling sa akin ni Papa.Hindi pinapansin ni Mama si Kuya. Nagtataka na ako kung anong nangyari. May gulo ba kina Jessica? Hindi natuloy ang pamamanhikan?The tension between my parents and Kuya Darius could be felt in the air. Para akong nasa gitna nilang tatlo. Mama refused to talk to Kuya.
閱讀更多