Tanya's POV "Grabe, kuhang-kuha ni Sir Luke ang kilig ko, teh!" wika ni Sofie, nakatili pa habang ini-imagine ang pagkanta ni Sir Luke kagabi. Namiss ko si Mich sa katauhan ni Sofie, na kahit patili, nagsasalita pa rin kapag kinikilig. “Kumusta na kaya siya?” bulong ko sa sarili. Matagal na kaming hindi nagkachat dahil sa pagiging busy namin nitong mga nakaraang araw. "Ako din, kinilig din ako! Ang swerte talaga ng maging girlfriend ni Sir Luke, halos lahat sa kanya," sabad naman ni Natasha. Habang nakapila kami para sa flight pabalik ng Manila, si Sofie ay muling nagkomento, "Mayayaman at magaganda din siyempre ang mga girlfriend ni Sir Luke. Sila-sila lang naman ang magkakilala." Bigla akong napatahimik. Ang puso ko ay kumirot sa sinabi niya. Halos pareho pala ang iniisip namin ni Sofie ang isang Luke Sebastian ay para lang sa mga mataas ang antas ng pamumuhay. Paano kung malaman nila na kami na ni Sir Luke? Ngayon pa lang, gusto ko nang mahiya sa sarili ko. "Oyy, okay ka lang
Read more