"Why don't you tell him?"Mabilis siyang umiling."I'm scared, Axel. I am scared to hear his response," mahina niyang sagot saka pilit na ngumiti. "Baka mas lalo lang akong masaktan kapag hindi ko narinig ang gusto kong marinig.""But you'll regret it if you won't give it a shot," sabi nito saka siya tinitigan nang diretso sa mga mata. "Look at me. I still told you kahit na walang kasiguraduhan kung ano ang magiging sagot mo," anito. "My reason? I just want to find out. Malay natin, baka gusto mo rin ako, 'di ba? At least wala akong pagsisihan na sinubukan ko pa rin.""We're not the same, Axel. I..." Napakamot na lang siya ng ulo saka humiga sa buhangin. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sana pala hindi ko na lang sinabi sa 'yo. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan," nakangusong sabi niya."Tell him para wala kang pagsisihan."Napatingin siya rito. Seryoso ang mukha nito."At kung hindi ka niya sasaluhin, I'll catch you, Yvonne. Ako ang sasalo sa 'yo, and I will make sure you
Last Updated : 2026-07-06 Read more