Ahtisa's POV"K-Kairon..." Mahina at parang maiiyak na tawag ni Celine kay Kairon kaya lahat kami ay napalingon sa kaniya.Namumula ang mga mata niyang nakatitig kay Kairon na para bang kahit ilang sandali ay maiiyak na siya. Marahang tumaas ang kilay ko pero hindi ako nagsalita. Binaba ko ang tingin ko sa aking pagkain at nagsimula ng kumain roon.Do whatever you want, Celine. Kahit umiyak at maglumpasay ka pa dyan, wala ka nang magagawa para maagaw sa akin si Kairon. Kahit hindi niya pa ako naaalala, siya pa rin ang ama ng batang dinadala ko. Hindi niya ako sasaktan kaya sige lang. Gawin mo ang kahit na anong gusto mo, hindi ako natatakot sayo. Lubusin mo na ang pagkadelusyunada mo dahil sa oras na bumalik ang ala-ala niya, sisiguraduhin kong babalik sayo ng doble lahat ng kabawaliwan mo ngayon."What?" Rinig kong tanong ni Kairon sa kaniya sa malamig na boses.Tinuloy ko ang pagsubo ko at hindi sila sinulyapan."C-can you sit beside me?" Nauutal na tanong ni Celine sa maamong boses
Magbasa pa