Kinabukasan sa loob kami ng tent natulog, halos hapon na kami nagising. Na stress ako ng paggising ko napakaraming kalat ang naabutan ko sa likuran. Mga kalat naming magkakaibigan, naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Hindi pa ako nakaka recover sa pagod kaya gusto ko sanang mag relax din naman. Nanghihina akong makakita dito na ganito kakalat kaya kinuha ko ang aking cellphone saka tinawagan si Maya. Kaylangan ko ng rescue at siya lang ang naisip ko."Good afternoon girl...pwede bang pasuyo muna sayo. Pahiram muna sa akin yung isang kasama niyo diyan sa bahay," panimula ko."Wow girl...ngayon kilala mo na kami dahil may kaylangan ka samantalang kahapon kung hindi pa mag pop out ang viral ninyong video na naka live sa airport hindi pa namin malalaman na nandito ka na pala sa pilipinas," dakdak nito. Napa unat ako sa lakas ng boses nito, ganito ba talaga ang mga taong buntis. Laging nagagalit, huminga ako ng malalim saka kinalma ang aking sarili. Kaylangan ko ito para masagot ko ng
Read more