"Bakit ka ba naninigaw agad? Sinabi ko naman na kay Lucas ah, sinabi ko sa kaniyang ipaalam sa inyo. Wala na akong time kanina kaya ng kausap ko siya nasabi ko na sa kaniya agad yun kaya sana huwag na kayong magdrama pa diyan," pahayag ko."Paano akong hindi magdradrama, nakita mismo ng mata namin si Cheska ang pagsabog sa pinasukan mo. Sinong hindi sisigaw kapag makita mo ang insidenteng yun? " Aniya na naman na kinabuntong hininga ko."Si Aya ba yan?Akin na nga at kausapin ko," ika naman ni Cheska na narinig ko."Hello Aya...anong nangyari sayo," ika nito.'Hello best...I am sorry kung hindi man ako nakatawag agad. Binuhat ko si Steve kaya nahirapan ako," pahayag ko na kinalaki ng mata ni Steve. Muntik niya ng maibuga ang kaniyang kinakain kaya inabutan ko ito agad ng maiinum."Damnnnn...nakuha mo talaga siya," ika nila na halos manlaki ang kanilang mga mata sa sinabi ko."Ang lakas ng boses ninyo, nasaan ba kayo baka mamaya niyan may makarinig sa inyo diyan..." sabi ko sa kanila."
Magbasa pa