KALALABAS lang nina Caitlyn at Meriam sa ospital, patungo na sila ngayon sa sasakyan nang mabilis na humabol si Marcus."W-Wait, sandali lang!" Pagharang pa nito sa daraanan ng dalawa.Nabigla si Caitlyn, akala ay sa kanya may kailangan pero nang humarap sa ina ay nagtaka na siya."Hello, Ma'am. I'm Marcus Morello, pwede ko po ba kayong makausap kahit sandali lang?"Natigilan si Meriam nang marinig ang pangalan nito. "M-Morello kamo ang apelyido mo, hijo?""Ano palang kailangan mo, Marcus?" sabat ni Caitlyn.Napatingin si Meriam sa anak. "Magkakilala kayo? Kailan pa?"Bakas sa mukha ng ina ang kaba na ipinagtaka niya. "Recently lang, Mommy. Bakit, may problema ba?"Hindi sumagot si Meriam sa halip ay inutusan ang anak na maghintay na lamang sa kotse, "Kakausapin ko lang siya." Matapos ay naglakad na palayo kasama si Marcus.Bagama't nagtataka ay sinunod ni Caitlyn ang utos ng ina, naglakad siya patungo sa sasakyan habang palingon-lingon sa mga ito. Kahit nasa loob na siya ay pinagmamas
Read more