“Malapit na tayo,” saad ni Mang Celso mula sa unahan ng bangka. Dahan-dahang napatingin si Fleur sa direksyon ng bayan. Unti-unti nang lumilinaw ang mga kabahayan, mga tindahan, at ang pantalan na nagsisimula nang maging abala kahit maaga pa lamang sa kabila ng bagyong dumaan. Hindi niya namalayang mahigpit na pala ang kapit niya kay Rex, nakasubsob siya nang bahagya sa dibdib nito habang patuloy ang pag-indayog ng bangka sa alon. Sa bawat hampas ng hangin, lalo siyang napapalapit dito. At hindi siya tinutulak palayo ng binata. Sa halip, nanatili itong nakayakap sa kanya. Nang maramdaman nito ang bahagyang panginginig niya, mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. “You’re still cold,” mahinang sabi nito. Hindi iyon tanong. Bahagya siyang tumango, nakasubsob pa rin sa dibdib nito. “Oo…” Hindi na ito muling nagsalita, pero hindi rin ito bumitaw. Parang sinasabi ng yakap nito na hanggang makarating sila, doon lang siya pakakawalan. Makalipas ang ilang minuto ay tuluy
Read more