SA LOBBY ng villa, hindi mapakali si Rafael habang pabalik-balik ang lakad. Nang makita niya si Talia na pababa ng hagdan, agad siyang lumapit.“Miss Talia,” seryoso ang ekspresyon niya. “May message si Allen.”Inabot niya ang tablet, at isang encrypted message ang laman. Saglit na tiningnan iyon ni Talia, at sa isang iglap, lumamig ang mga mata niya.“I understand,” kalmado niyang saad, pero may halong lamig ang boses. “Mukhang oras na para tapusin ‘to. Maghanda ka, aalis tayo bukas.”“Okay.” Tumango si Rafael, saka mabilis na umalis at sumakay ng sasakyan pababa ng bundok.Nang makaalis si Rafael, bumaba naman si Caden mula sa hagdan. Bawat hakbang niya ay maayos at kontrolado, parang isang taong walang kahit anong problema.“Good morning, Mr. Gold,” bati ni Talia nang makita ito.Lumapit si Talia, at hindi niya maiwasang mapatingin sa kanang kamay nito na may ilang benda na halos hindi halata.‘Nasugatan siya…’ Sa mga oras ding iyon, napadako ang tingin ni Caden sa leeg ng babae.
Read more