TULUYAN nang nawalan ng kontrol si Irene nang mga sandaling iyon.Halos mabasag ang buong silid sa lakas ng kanyang sigaw habang paulit-ulit niyang hinahampas ang bakal na pinto. Magulo ang buhok niya, namumula ang mga mata, at wala nang natitirang dignidad sa paraan ng kanyang pag-iyak.Ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Caden. Tahimik lang siyang nakatingin dito, malamig at walang awa ang mga mata.“I’m sorry, pero dito ka muna mag-stay,” ani Caden na walang kahit anong awa sa boses. “I might come see you,” dagdag niya habang walang ekspresyong tumitingin dito, “when I’m in a better mood.”Pagkatapos sabihin iyon, direkta niyang hinawakan ang kamay ni Talia at walang lingon na tumalikod.At kasabay ng desperadong sigaw ni Irene, marahas na nagsara ang mabigat na gate ng detention room.---SAMANTALA, sa isang mamahaling villa sa Grey Wharf, hindi mapakali si Bea. Dalawang araw na siyang hindi pinapalabas ng bahay. At sa loob ng dalawang araw na iyon, hindi rin nagpakita s
Read more