PAG-UWI nila mula Vigan, parang ibang tao na rin si Bea. Hindi totally okay. Hindi rin totally broken. Parang nasa pagitan lang siya ng dalawang bagay na hindi niya maipaliwanag. May mga araw na normal siyang tumatawa, nakikipag-asaran kay Talia, at sinasamahan pa si Mommy niya sa mall. Pero sa gabi, balik na naman siya sa katahimikan. Balik na naman sa pag-iisip. Balik na naman sa lalaking pilit niyang iniisip na patay na, kahit sa puso niya ay hindi pa rin tuluyang nawawala. Si Talia, mabilis ding bumalik sa trabaho sa Montclair Biotech. Doktor ito sa research and development team ng kompanya, kaya madalas ay maaga ang pasok at minsan ay late na ring umuuwi. Kapag napapatingin si Bea sa bestfriend niya habang nagsusuot ito ng ID lace at blazer, parang ang adult na adult nito tingnan. “Wow,” sabi ni Bea isang umaga habang nasa kusina sila. “Doctor ka na talaga. Astig.” Natawa si Talia habang inaayos ang buhok. “Ikaw, ano? Full-time sad girl?” “Hindi ah. Part-time lang.” “Bea.
Read more