Bahagyang tumango si Luna. "Opo, 'yun nga.""Sasamahan kita," seryosong wika ni Hunter. Napatigil siya, at sumingkit ang kanyang madidilim na mata nang maisip si Ralph. "And if you plan on meeting with Ralph again over the next few days, make sure to let me know so I can come along." Pakiramdam niya ay may kakaiba sa sitwasyon. Pero dahil pa wala namang ginagawang masama si Ralph kay Luna, iniisip niya na baka nago-overthink lang siya.Agad namang pumayag si Luna. “Okay, sure."Matapos mag-breakfast, sabay silang naglakad patungo sa courtyard bago naghiwalay ng landas. Dumiretso si Hunter sa headquarters ng Montenegro Corp, habang si Luna naman ay nagmaneho papunta sa clinic para simulan ang kanyang trabaho sa umaga.Bihira lang siyang ma-late, kaya naman nakarating siya sa clinic nang halos sakto sa oras. Nang makita siyang nagmamadaling pumasok sa pinto, isang pasyente na pamilyar sa kanya ang sumigaw nang may pag-aalala, "Dra. Luna, huwag po kayong magmadali! Hindi naman po kami na
Read more