DAMON VALENCIA LAVISTRE “Bakit ka pa nagpakita?! Kinuha mo na nga kwarto ko!” Asik ko sa batang ‘to. “Damon, napahamak na siya kung hindi ka titino ngayon sa susunod malamig na bangkay na ang batang ito.” Wika ni Flame pero hindi ko ito pinansin. “Sabi mo lalayas ka diba? Bakit ka andito?” Tanong ko dito. “Balian ko kaya ng buto ‘to? Talaga bang wala kang awa dito?” Tanong ni Storm sakin. Napa lingon ako ng dumating si Mom at Dad. “Ano ba talagang nangyari sa inyo?” Tanong ni Flame. “Lagi kasi inaaway ni Damon si Seth. Halika dito Seth.” Tawag ni mom sa batang ‘to. “Akala ko ba okay lang sayo na kunin ng magulang mo si Seth?” Tanong ni Thunder. “Oo kaso binigay nila yung kwarto ko! Kahit anong trace ko doon wala na!” Asik ko. “Tita pakiusap, ilipat niyo ng kwarto si Seth. Alam ko matanda na si Damon pero anak parin ninyo yan. At isa pa kwarto talaga niya yun, kahit sa akin pa yan naka tira.” Wika ni Flame. Nasa mansion na kaming lahat ngayon, dala nila itong batang
Magbasa pa