Isla Moretti POV Malakas ang buhos ng ulan pagdating ng alas-tres ng hapon, sakto pagkababa namin mula sa site ng Pine Haven. Ang makapal na hamog ay tuluyan nang humalik sa bubong ng SUV habang nakaparada kami sa tapat ng porch ng bahay. Pinatay ni Kalix ang makina ng sasakyan, at sa isang saglit, ang tanging naririnig na lang namin ay ang mabigat na hudyat ng ulan sa ibabaw ng bubong at ang wipers na huminto sa gitna ng windshield. "Isla, dyan ka lang muna. Kukuha ako ng malaking payong sa loob," sabi ni Kalix habang binubuksan ang pinto sa side niya. Bago pa ako makasagot, mabilis na siyang bumaba, sinalubong ang malamig na hampas ng ulan ng Baguio habang tumatakbo paakyat sa hagdanan ng veranda. Ilang sandali pa, bumalik siya na may dalang malawak na payong na itim. Binuksan niya ang pinto sa tabi ko, inilagay ang isang kamay sa itaas ng frame ng pinto para hindi mauntog ang ulo ko, at sumalubong ang basang tela ng kanyang windbreaker sa braso ko. "Hawak ka sa akin, medyo madu
Read more