Kabanata 14 Samantha's Point of View Sabay kami ni Gabriel na bumiyahe patungo sa bahay ng pamilya ko. Kahit papaano, naging kumportable na ako sa presensiya niya. Hindi na katulad noong mga unang araw na para akong laging nasa edge. Hindi na katulad noong tuwing makikita ko siya ay gusto ko nang tumakbo palayo. Ngayon, iba na. Ngayon, hinahanap-hanap ko na siya. At hindi ko alam kung nakakatakot ba iyon o nakakatuwa. Sobrang matured niyang kausap. Iyon ang isa sa mga bagay na napansin ko sa kanya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na puro kabastusan lang ang alam. Si Gabriel, kaya niyang pag-usapan ang kahit ano. Kaya niyang sumabay sa kahit anong topic. Alam niya kung kailan magiging seryoso at alam niya rin kung kailan pwedeng makipagbiruan. Hindi rin ako naiinip dahil sa malikot niyang mga daliring gumagalaw sa hita ko. Sa totoo lang, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako naiinip. Dahil sa ginagawa ng mga kamay niya habang nag-uusap kami. "Ano bang problema mo kay J
Read more