"Kuya, talaga bang mag fo-for good na kayo ni ate sa Europe? Paano na si Ahma? Paano na ang kumpanya ng pamilya?"Tinapik ni Gideon ang balikat ni Drew. "Drew, alam mo na ang sagot sa mga tanong mo. I think it's time for me to build my own empire kasama ang mga pinaka importanteng tao sa buhay ko, si Yvee at ang mga anak namin." "Ako? Si Ahma? Hindi ba kami importante sa'yo?" may tampong tanong ni Drew."Of course, you are. But Drew, hindi naman p'wedeng palagi ka na lang nakabuntot sa akin. As your cousin at kinakapatid na rin, concern din naman ako sa'yo ano. I think it's time for you to find your own destiny...""Destiny, destiny ka riyan. Ang sabihin mo, ayaw mo nang mag manage ng family business natin---" "Drew, grow up. You need to stop playing around. You need to have your own family too...""Family? Hell no, kuya. Alam mong ayoko sa mga babae---""Bakla ka ba?""W-What? No! I just don't like being in a relationship. That's all."Tumawa nang malakas si Gideon. "Then, prove it
Last Updated : 2026-07-09 Read more