Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa mga bisig ni Nate. Tahimik lang naman ang lalaki at hinayaan siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya.Nang mahimasmasan siya, muli nitong pinahiran ang kanyang luha at pinainom siya ng tubig. Marahan siyang sumandal sa upuan ng kotse at mataman na nakatingin sa nakasarang pintuan ng rest house nang maramdaman niya ang pagpisil ni Nate sa kanyang kamay."If you're not feeling well already, pwede nating ipagpaliban ang pagkausap sa doctor. We can come back here some other time," suhestyon ni Nate.Humugot siya ng hangin bago marahan na umiling. "I'm fine. And I wanted to talk to the doctor today."Pakiramdam niya hindi siya mapapakali kapag hindi sila nagkausap ngayon. Kailangan niyang makuha ang sagot na kailangan niya!"Okay. If you really wanted to talk to her, you must promise me one thing," buntong hiningang wika ni Nate.Dahan-dahan siyang napalingon kay Nate. "What is it?""Kapag may naramdaman kang hindi m
อ่านเพิ่มเติม