Nakilala ni Agatha si Luis noong siya ay nasa America pa at sinusubukang pagalingin ang kaniyang pusong sinugatan ni Daniel noon. Sa umpisa ay ayaw pa niyang magkaroon ng kahit na anong klase ng interaksyon sa nasabing lalaki dahil hindi pa niya alam kung ano ang intensyon nito sa kaniya. Nakuha lang nito ang loob niya nang minsang tinulungan siya nito sa isang proyekto na hindi niya magawang tapusin. "Sabi ko naman sa iyo eh, hindi ako tulad ng ibang lalaki na iniisip mo," sabi ni Luis na siyang nagpagulat kay Agatha. "Pilipino ka?" tanong agad ni Agatha na tinanguan ni Luis. "Bakit hindi halata sa hitsura mo?" "Well, I have some foreign blood in me kaya kung hindi mo ako maririnig na nagsasalita ng Tagalog ay talagang maninibago ka sa akin," sabi ni Luis in a confident tone. "I may look like an American, pero sigurado ako na Pilipino ako by heart." Napairap na lang si Agatha sa sinabi ni Luis. May isang bahagi ng kaniyang pagkatao na ayaw maniwala sa sinasabi nito lalo na at
Read more