“Am I forgiven?!,” nakangiting tanong sa kanya ni Rowan matapos siya nitong haranahin. Hindi siya nakapagsalita. Kanina lang ay inis na inis siya sa binata sa pagiging bastos at maniac nito sa kanya. Ngayon naman na nagpakita ito sa kanya ng pagiging gentleman ay tila nalusaw agad ang negatibo niyang perception sa binata. “For you,” tila boy next door na atake ni Rowan at inabot ang tatlong tangkay ng pulang rosas sa kanya. “Thanks!,” tipid niyang sabi. “So—- puwede na ba kitang imbitahan mag- swimming doon—- may nice spot sa parteng dulo puwede kitang kunan ng mga larawan,” cool na pahayag ng binata. “Ahmnn—- nahhh!!! Next time na lang, may gagawin pa kasi ako!,” alibi niya kasi takot na naman siyang maulit ang ginawa sa kanya ni Ethan kanina. “Gusto mo tulungan na lang kita. I can help you, ano ba iyang ginagawa mo?,” he curiously asked. “Ah—- nothing so hard, I can manage. Sige papasok na ako, salamat sa effort at sa paflower—- hindi ka na sana nag- abala pa!,” she
続きを読む