Ang gabi ay balot ng ningning ng mga chandelier sa Grand Ballroom ng San Ignacio Hotel. Ito ang taunang Anibersaryo ng Probinsya, isang kaganapan kung saan ang lahat ng makapangyarihang tao sa rehiyon ay nagtitipon upang mag-usap tungkol sa negosyo, politika, at kapangyarihan. Si Nayah Contreras, na nakasuot ng isang simpleng ngunit eleganteng emerald green backless gown na ipinasuot sa kanya ni Chance, ay tila isang estranghero sa gitna ng mga marangyang tao.Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ni Chance. Sa bawat hakbang ng Alkalde, sumusunod siya. Bawat baso ng alak na kailangan, bawat dokumentong pipirmahan, siya ang taga-asikaso. Si Chance ay sentro ng atensyon, nakikipagkamay sa mga kongresista at gobernador habang ang kanyang libreng kamay ay laging nakahawak nang mahigpit sa bewang ni Nayah—isang paraan upang ipaalam sa lahat kung sino ang pag-aari niya."Mayor Chance, napakagandang kasama ng iyong assistant ngayong gabi," isang pamilyar na boses ang bumasag sa usapan ni Chan
Read more