Kahit nakalayo na si Luna sa ingay ng bar, kahit wala na ang mga matang nakatingin, kahit wala na si Adrian sa harap niya—dala niya pa rin ang bigat ng gabing iyon. Parang nakadikit sa balat niya ang bawat salita, bawat tingin, bawat sandaling hindi niya kayang ipaliwanag. ‘Ginamit mo ako.’Napapikit siya habang nakasandal sa pinto ng apartment niya, hindi pa tuluyang pumapasok. “I didn’t mean to…” mahina niyang bulong sa sarili, pero kahit siya, hindi kumbinsido. Dahan-dahan siyang pumasok, hinubad ang sapatos, iniwan ang bag kung saan. Hindi niya kayang mag-isip nang maayos, hindi niya kayang harapin ang sarili niya kung magpapakatotoo siya, kaya pinili niyang huwag mag-isip. Natulog siya—at pilit na sinubukang matulog. Pero kahit sa pagtulog, hindi siya tinantanan ng pangyayaring iyon. Bumabalik ang mga mata ni Adrian, ang tono ng boses nito, ang paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. ‘You don’t get to walk away after that.’ Napamulat siya, huminga ng malalim, saka napatawa na
Read more