Chapter 61 Hindi ko nalayan na malapit na pala kaming makapagtapos, kaya napangiti ako dahil sa wakas ay makamit na namin ang matagal na pinapangarap ang makapagtapos bilang abogado. Narito na kami sa huling semestre ng aming kursong abogasya. Ilang hakbang na lang at maaabot ko na ang pangarap na matagal kong ipinaglaban. Kaya naman nang magyaya ang ilan sa mga kaklase ko ng isang simpleng group party bilang pagdiriwang ng nalalapit naming pagtatapos ay pumayag ako. At doon kami napadpad. Sa isang sikat na high-end club sa lungsod. Malakas ang tugtog. Makukulay ang ilaw. At halos lahat ay abala sa pagsasayaw, pag-uusap, at pagkuha ng mga litrato. "Aba, Sky! Ngumiti ka naman!" Natatawang sambit ni Samantha habang kinukuhanan ako ng larawan. "Nakangiti naman ako." "Hindi. Mukha kang napilitang witness sa korte." Napatawa ako. "Grabe ka." Masaya ang gabi. O iyon ang akala ko. Dahil sabi nga nila... Kahit wala kang ginagawang masama sa ibang tao, ma
Read more