Chapter 15"Dala po iyan ni Madam kagabi pag-uwi niya," mahinahong sagot ni Manang Beth habang maingat na iniaayos ang mga gamit sa mesa.Napatigil si Azrael sa pag-inom ng kape. "Lumabas si Shuvee kagabi?" kunot-noong tanong niya, bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata."Opo, Sir," maikling tugon ng matanda sabay tiningnan ang reaksyon ng amo."Mag-isa lang siya? Saan siya pumunta?" Bahagyang tumaas ang boses ni Azrael, kasabay ng pagtayo niya mula sa kinauupuan. Hindi na niya maikubli ang tila namumuong inis sa kaniyang dibdib.Yumuko nang bahagya si Manang Beth bago sumagot. "Sabi niya po manonood siya ng performance. Kasama niya po ang teacher niya.""Teacher?" Mukhang hindi makapaniwala ang lalaki. Nilapitan niya ang plorera at sinuri ang mga talulot nito. "At kanino galing ang bulaklak? Sino ang nagbigay?""Naku, iyan po ang hindi ko alam, Sir," nailing na sagot ni Manang Beth, tila nakikiramdam sa biglang pagdidilim ng mukha ni Azrael."Anong palabas? Saan sila nanood? Anong
Read more