Tahimik ang buong mansyon, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila mas mabigat at mas nakakabingi ang katahimikan. Marahil ay dahil wala si Rule.Nagpaalam siya sa akin kaninang umaga. May business trip daw sila sa Italy at tatlong araw siyang mawawala. Tatlong araw.Hindi ko akalaing ganoon kahirap ang simpleng pagkawala niya.Pakiramdam ko ay daig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam kong siya ang pinaglilihihan ko. Araw-araw ay gusto ko siyang nakikita. Kapag nasa bahay siya, palihim ko siyang sinusulyapan. Minsan habang nagbabasa siya, minsan habang may kausap sa telepono, at kung minsan naman ay habang tahimik lamang siyang nakaupo.Hindi ko alam kung napapansin niya ang mga kakaiba kong kilos. Sa tingin ko ay nagtataka na rin siya sa akin, ngunit wala naman siyang sinasabi.Hindi ko alam kung makakaya kong hindi siya makita sa loob ng tatlong araw.Iyon ngang mawala siya sa paningin ko nang ilang oras ay para na akong maiiyak.Siguro ay hinahanap din siya ng baby na nasa
Read more