“Gamitin mo na ang sasakyan at ihatid mo na si Erin, nang makapag-usap pa kayo sakaling mayroon pa kayong gustong linawin sa inyong dalawa.”Utos sa akin ni Lolo nang matapos na kaming kumain.Medyo natagalan ang pagkain namin dahil sinamahan pa nga nila ng kuwentuhan. Kwentuhan ng mga matatanda, kaya hindi na kami nakisali sa kanila.Even Erin is just listening to them while slowly eating.“Sige, lolo.”Tumayo na ako, ngunit nagulat pa ako ng padabog na tumayo rin si Jarren kasabay ng pagtayo ko.“Why?” tanong pa ni tita Ivana kay Jarren na halatang nagulat din sa ginawa nito.“Sasama na ako kay ate Erin, mama” sagot nito nito ngunit sa akin siya nakatingin at talagang matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.Tumayo na rin si Erin at tumingin nga kay Jarren.“Not today, Jarren. Kina mama ka na muna sumabay ngayon.”“Pero ate…”“Jarren, huwag ng matigas ang ulo mo. Hindi habang buhay na susunod ka na lang palagi kung saan pumunta ang ate mo.”Napasimangot siya na matalim lang a
Read more