CHAPTER 99 Walanghiyang bata! Bata ba talaga ito? Kung mang-alaska tinalo pa siya. Kagabi pa siya sinusupalpal. Pagdating sa classroom, sinalubong si Kai ng ilang kaklase nito. Nasa labas siya ng classroom kausap ang ilang teacher ni Kai. Lihim siyang napangisi habang tahimik na pinapakinggan ang mga usapan. “Wow, sa inyo ba iyong magandang kotse, Kai?”"Kay Daddy ko,” simpleng sagot ni Kai."Meron ka na daddy? Di ba wala.”Muntik nang matawa si Zacharias nang inismiran ito ni Kai. “Syempre may daddy ako. Paano ako maipapanganak kung walang daddy?”“Dinala ng angel.”Parang napapagod na umiling si Kai at napatapik sa noo. Paano, napapanood nito ang paliwanag kung paano nabubuo ang bata sa Discovery Channel. "Bakit hindi namin nakikita noon?""Abroad.”“Ang pogi ng daddy mo, Kai.”Yumabang ang ngisi ng anak niya. “Pogi ako syempre, pogi din ang daddy.”Nagsitanguan ang mga bata. “Paglaki ko, gusto kong marry ako sa daddy mo,” hagikhik ng isang bata
Read more