"Teh, pautang ng natitirang lakas, parang awa mo na," reklamo agad ni Rina sabay bagsak ng katawan niya sa sofa. "Grabe 'yang dalawang anak mo, Trina. Ang liliit ng mga binti pero kung maglakad sa mall, parang walang bukas! Muntik na akong maiyak sa tapat ng department store sa pagod."Natawa ako at dumeretso sa kusina para ikuha sila ng malamig na tubig at pagkain. "Salamat, Rina ha. Hayaan mo, babawi ako sa'yo next time.""Dapat lang! Tsaka itong si Tanjiru, kunsintidor din! Lahat ng ituro ng mga bata, binibili! Mukha ba kaming may-ari ng mall?!" asik pa ni Rina, sabay kuha ng baso ng tubig na iniabot ko."I have the budget for my niece and nephew, Rina. Rational spending lang 'yon," kaswal na sagot ni Tanjiru at umupo sa tabi niya sa sofa, hindi man lang mabakas ang pagod sa mukha nito. Inayos pa niya ang salamin niya na parang business meeting lang ang pinuntahan niya. "Pwede ka namang magpahinga sa akin kung gusto mo.""Asa ka naman! Halos ubusin na nila 'yong stock ng Lego roon,
Read more