"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Read more