YOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na
Magbasa pa