ELENA POVMaaga kaming umalis ng mansyon papuntang Clark. Buong byahe, tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ramdam ko ang paminsan-minsang sulyap sa akin ni Alexander mula sa driver's seat, pero hinayaan ko lang siya. Hawak ko ang tablet kung saan nakalagay ang mga breakdown ng logistics company na balak i-merge ni Marcus sa amin ngayon.Nang makarating kami sa itinalagang restaurant sa loob ng Clark Freeport, nandoon na si Marcus. Hindi niya kasama si Sabrina ngayon, bagay na ipinagpasalamat ko. Naka-business suit siya, mukhang fresh, at agad na tumayo nang makita kaming pumasok."Good morning, Alana. Alexander," bati ni Marcus, sabay lahad ng kamay sa amin.Tinanggap ko ang kamay niya at nagbigay ng isang tipid na ngiti. "Good morning, Marcus. Pasensya na kung medyo nahuli kami, medyo nagka-traffic sa NLEX.""No worries, kararating ko lang din naman," sabi niya habang pinahihila ang upuan para sa akin. "Maupo kayo. I already ordered some appetizers, pe
Read more