IRIS POVGumigising ako dahil sa banayad na katok sa pinto. Pagka-mulat ng mga mata ko, sumasalubong sa akin ang liwanag ng umaga na tumatagos sa malaking bintana ng kwarto ko sa mansyon. Bumangon ako nang mabilis, hinawakan ang itim na USB drive sa ibabaw ng side table, at huminga nang malalim. Ito na ang araw ng unang misyon ko.Kailangan kong galingan. Buhay at kalayaan ko ang nakataya rito, hindi lang ang kumpanya ni Damian.Pagkababa ko sa sala, nakita ko na si Damian na nakatayo malapit sa dining table habang may kausap sa kanyang telepono. Naka-business suit na naman siya, plantsadong-plantsado, at seryosong-seryoso ang mukha habang may tinitingnan sa kanyang tablet. Nang mapansin niya ang pababa kong hakbang, ibinaba niya ang hawak na device."You're awake," bungad niya, sabay senyas sa bakanteng upuan sa tapat niya. "Kumain ka muna. We have thirty minutes bago tayo umalis."Naupo ako at kumuha ng sandwich mula sa plato. "Naka-ready na ba ang lahat? I mean, 'yung planong pagbi
Baca selengkapnya