Chapter 18Samantha’s POVTanghali na nang magising ako. Pagmulat ko pa lang ng mata, automatic kong hinanap si Nanay para sana magpaawa na gutom na ako at wala pa akong almusal. Kaso tahimik ang bahay. Walang nagluluto, walang nagbubukas ng TV sa sobrang lakas, at higit sa lahat, walang boses ni Nanay na nagsasabing, “Anak, ang ganda mo sana kung hindi ka mukhang bagong gising na basang sisiw.”Maaga pala siyang umalis para sa kanyang Zumba.Si Nanay kasi, simula nang mag-singkuwenta, mas lalong naging aktibo kaysa sa akin na nasa kalakasan pa ng buhay. Para daw mag-stay active at healthy, sumali siya sa Zumba group sa mall. Ang problema, parang hindi lang katawan ang ini-exercise niya—pati confidence level niya nasa Olympics.Biglang nag-vibrate ang phone ko.“Anak, gising ka na ba? Mag-grocery tayo ngayon, di ba? Andito na ako sa mall. I-meet ko lang ang ilang friends, then tayo naman ang magde-date.”Napangiti ako. Si Nanay talaga, kahit simpleng grocery, tinatawag na date.“Yes p
Read more