Denise's POV "N-nasa lobby po." Puno ng takot na sabi ng babae sa nanginginig na boses. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nagpapanggap pa rin akong tulog. Bakit parang takot na takot siya kay Damon? Alam ko naman nakakaintimida siya pero bakit parang nakakita ng multo sa takot ng boses ng babaeng ito? "Throw them out and remove all our investment with their companies." Mariing sabi ni Damon sa malamig na boses. Bahagyang kumunot ang noo ko. Nag-invest siya sa kompanya nila Zach? "Y-yes, sir! P-paalisin ko na po sila." Masunuring sabi ng babae. Narinig ko ang pagmamadali niyang umalis. Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan, mabilis ko iminulat ang mga mata. Ngunit mabilis na tumibok ang puso ko ng makasalubong ang mapupungay na mata ni Damon. Hindi ko naramdamang nakatitig na pala siya sa akin! Mabilis na uminit ang magkabilang pisngi ko. Bahagya ako lumayo sa kaniya kahit nakaupo pa rin ako sa mga hita niya. Tumikhim ako at sinalubong ang mga titig niya. "
Read more