"DESIREE! May kasalanan ka sa akin!" sigaw sa akin ni Yannah na nasa kabilang linya. "It's your fault, na admit si Kuya Yeshua dahil sa binigay mong pagkain! Kung alam ko lang na mangyayari 'to, tinapon ko na lang sana ang iyon." inis na wika nito. Ako naman ay biglang nagpanic. "Sang hospital dinala ang Kapatid mo?" nag-alala kong tanong."Huwag ka nang pumunta, baka pati ma-admit pa. Galit na galit si Kuya. Pasalamat ka, hindi ko sinabi na luto mo 'yon. Ang sabi ko sa kaniya, binili ko sa canteen at nakalimutan mo sa initan, kaya nasira ang tiyan niya. Nagsinungaling ako para sa'yo, Babae, kaya 'wag mo akong inisin." mahabang wika ni Yannah sa akin. "H'wag ka na magluto. Kalimutan mo na ang pagluluto at hindi mo talaga makuha 'yon. Wala kang talent kaya tumahimik ka na lang sa tabi. H'wag si Kuya ang habolin mo, hindi rin siya marunong magluto. Mamamatay lang kayo sa gutom kapag wala ang katulong n’yo." Biglang uminit ang pisngi ko sa hiya, sa dami ng sinabi ni Yannah, lahat 'yon
Magbasa pa