HERMOINE POV"Hello po. Ako po si Hermoine, ikinagagalak ko po kayong makatrabaho Ma'am," bati niya dito sabay ngiti."Ako si Miss Jane. Ang head manager nang Marketing Department. Sumunod ka sa akin at ihahatid kita sa working area mo," anas nito gamit ang napakapormal nitong boses."Ok po."Tahimik siyang sumunod dito at habang naglalakad ay unti-unti niyang napapansin ang iilang mga empleyado na seryosong nagtratrabaho sa kani-kanilang mga working cubicle area.Huminto sila sa isang mesa na satingin niya ay ang magiging working table niya. May nakita siyang nakapatay na laptop doon at medyo wala pa masyadong mga kagamitan na naroroon bukod na lamang sa laptop at keyboard."Dito ang woking space mo," anas ni Miss Jane sa kanya."Ok po, maraming salamat po-""Pagkatapos mong maiayos ang mga gamit mo ay magpunta ka sa opisina ko," putol nito sa mga sinasabi niya at tsaka ito dere-deretsong naglakad paalis.Sinundan niya ito nang tingin at nakita niyang pumasok ito sa isang nakasarang
Magbasa pa