Ang babaeng nasa salamin ay manipis ang katawan, nakasuot ng isang napakagandang light blue evening gown na may mga kumikinang na rhinestones sa ilalim ng liwanag. Pero walang kahit anong ngiti sa mukha nito.Ipinatong ni Pia ang kanyang palad sa glass window, pinapanood kung paano nag-aabot ang kanyang anino at ang anino ni Nate sa labas.‘Napakalapit niya sa akin ngayon, isip ni Pia, pero sa katotohanan, napakalayo niya na talaga.’Ang pagmamahal niya rito noong nakaraan ay napakababaw at puno ng takot, maingat niyang sinisikap na pasayahin ito dahil natatakot siya na baka makulitan o maboring ito sa kanya at tuluyang iwan siya, Alam naman niya sa sarili ni
Read more