“Alam ba ni Alma na nandito ako?” Tumango si Joaquin dahil may laman pa ang bibig niya. “She called your phone and I answered it. My apology, I opened your bag to answer her call.” “It's okay. Hindi mo kailangang mag-apology. For sure, mag-aalala sila kung hindi mo sinagot ang tawag at hindi sila na-inform kung nasaan ako. Actually, I owe you a thank you. And, yeah, an apology too. Sorry, if I became a burden to you.” Hindi umimik si Joaquin, tahimik lang siyang ngumunguya habang nakatingin kay Rinoah. Naubos na niya ang sariling pagkain. Tumayo siya bitbit ang pinagkainan, binanlawan iyon bago inilagay sa dishwasher saka siya kumuha ng tubig at uminom. Kumuha ulit siya ng panibagong bottled water, lumabas siya sa kitchen, at huminto sa gilid ng countertop, binuksan ang takip, at nilapag ang bote ng tubig malapit kay Rinoah. “You will never be a burden, Noah.” Ipinatong ni Joaquin sa ulo ni Rinoah ang kaliwang palad, bahagya niyang ginulo ang buhok ng dalaga—isang habit niya
Read more