Isang magaan na haplos sa kanyang ulo, kasunod ng pagdampi ng malambot na labi sa kanyang noo, ang gumising kay Cielo. Bubuksan na sana niya ang kanyang mga mata nang lumapat sa pisngi niya ang isang pamilyar na halik. Alam niyang si Sky ang huling humalik, kaya naisip niyang si Nathan ang una. Minabuti niyang magpanggap munang tulog.“Why is she not opening her eyes, Daddy?” aburidong tanong ni Sky sa ama. “Dati, isang kiss ko lang, nagigising na si Mommy."“Baka napagod nang husto ang mommy kahapon. Mamaya gisingin natin siya ulit,” paliwanag ni Nathan habang nakatayo sa gilid ng kama, habang nasa kabilang gilid naman ni Cielo si Sky na kagigising lang din.“But I’m hungry! I want to eat breakfast with her,” pag-angal ng bata.Napangiti si Nathan sa anak. “Do you have any suggestion para magising na si Mommy?”Napaisip sandali si Sky. “Yes!”“Okay, then do it!” nakangiting sabi ni Nathan sa anak.Umiling si Sky. “You should do it, Daddy.”Kumunot ang noo ni Nathan. Pigil din si Ciel
Read more