CHAPTER 49 "Bakit hindi po?" hindi niya napigilang sumingit. "Wala naman ginagawang masama si Vioxx." "Dashi, sumunod ka na lang--" "Ano po ba talagang dahilan? Tatay, bakit biglaan? Parang may itinatago kayo sa akin." Naggalawan ang muscle sa mukha nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Vioxx. "Meron nga, Dashi. Malalaman mo iyon kapag nagpatuloy kang magmatigas na hindi umuwi." "Ha?!" bulalas niya. Hindi ba dapat, kapag hindi siya umuwi ay saka niya malalaman. parang baliktad yata. Umalon ang lalamunan ni Vioxx kahit nawalan ng emosyon ang mga mata nito. Hinihintay niyang tumutol ito subalit nanatili lamang nakatingin sa Tatay niya. Bigla iyang tumayo, nagsasalubong na ang mga kilay. "Hindi ako uuwi, Tatay! Anong gagawin ko do'n sa probinsya? Magbibilang ng tutubi?" "Danica Shane!" "Kahit kaladkarin mo pa ako, hindi ako uuwi. Mapilit mo man ako ngayon, babalik at babalik ako rito sa Maynila. Hangga't hindi mo ako binibigyan ng rasyonal na dahilan, dito lang
Read more