ELIRA POV"The green dinosaur went to the river to drink some water, and then he met his friend, the blue triceratops," pagpapatuloy ko sa pagbabasa habang itinuturo ang makulay na drawing sa maliit na cardboard book.Si Zion naman ay nakatitig lang sa pahina, hawak pa rin ang kaniyang clay na ngayon ay nagmukha nang ewan dahil sa paulit-ulit na pagpiga niya rito. "Mommy, may guards din ba ang mga dinosaur sa tabi ng river?"Natawa ako nang bahagya sa tanong niya, pero may kaunting kurot sa puso ko. "Wala naman, love. Bakit mo naman natanong?""Kasi po sa labas may guards. Sabi ni Tito Azriel, binuo 'on para maging safe ang castle natin habang may ulan," sagot niya sa akin sa pinakasimpleng paraan na alam ng limang taong gulang niyang isip."Ah, oo naman. Para palaging ligtas si Zion at si Mommy," hinalikan ko siya sa pisngi bago ko isinara ang libro. "O sige na, tapusin mo na 'yang ginagawa mong building para makakain na tayo ng chicken nuggets. Amoy na amoy ko na mula rito, o."Tuma
Read more