Ilang saglit lang ay naglakad na kami papunta sa pinto ng mansyon at marahan itong binuksan. Pero pagkabukas ng malaking pinto ng mansyon ay agad akong napahinto at nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang loob ng bahay.Mas maliwanag na ito kaysa sa dati.Malinis ang bawat sulok, makintab ang sahig at maayos na nakahanay ang mga mamahaling kasangkapan.Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagulat.Sa gitna ng malawak na living room ay may ilang taong nakatayo na tila naghihintay sa aming pagdating lahat sila ay maayos ang pananamit.May mga katulong din, hardinero at ilang tauhan ng mansyon.Nang makita nila kami ay sabay-sabay silang yumuko."Welcome home, Miss Zari." Sabay sabay nilang saad sa akin habang nakayuko. Nalaglag ang panga ko at bahagyang natulala. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.Mabilis akong napalingon kay Haze."H-Haze..." halos pabulong kong saad sa kaniya. Ngumiti lamang siya nang bahagya sa akinNgunit bago pa siya makasagot ay
Read more