Tahimik ang buong biyahe ng pamilya Lucero pauwi ng hotel. Sa loob, nakasandig si Gabriel sa malaking glass window, nakatitig sa kalawakan. Nilapitan siya ni Gavinn, lumuhod nang bahagya, bago ipinatong ang kamay sa balikat nito."You've been quiet, Gabriel," mahinahong simula ni Gavinn. "Anong iniisip mo?"Bumuntong-hininga si Gabriel. Ang kanyang mga mata na karaniwang puno ng matalas na katalinuhan ay pinalitan ngayon ng matinding kalungkutan."Naiisip ko lang si Chloe, Dad," pabulong na pag-amin ni Gabriel. "I mean, I hated her when she tried to destroy our reputation and family. Pero nung narinig ko yung mga sinabi niya kay Richard sa hallway? I didn't expect her pain to be that deep."Napatitig si Gavinn sa anak, listening intently."Akala ko simpleng spoiled brat lang siya na gustong manalo sa akin," dugtong ni Gabriel, looking down at his hands. "Pero ginawa niya lang pala ang lahat ng yun dahil she's desperately longing sa pansin at pagmamahal ng tatay niya. Dad, I fel
Read more