ISAAC HIRO“So Mommy is really my Daddy’s past lover?” Hindi ko napigilang mapangiti habang excited na nakatingin kay Tito Thadeus. Kanina ko pa siya kinukulit tungkol sa nakaraan ni Daddy at sa totoo lang, pakiramdam ko ay malapit na akong makakuha ng napakahalagang sikreto. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang interesado ako sa kuwento nilang dalawa. Maybe because this is the first time I've seen Dad look at someone like that. Hindi naman ako ganoon kabata para hindi mapansin ang mga bagay bagay. Nakikita ko kung paano nagiging iba ang ekspresyon ni Daddy kapag si Mommy ang kaharap niya. Minsan seryoso siya sa lahat ng tao pero kapag kay Mommy, parang may kung anong lambot sa mga mata niya na hindi niya kayang itago kahit gaano pa niya subukang magpanggap, just like how he talks to me.And honestly? I kinda like it. I want to know everything. I want to know how they met, how they fell in love, and why they ended up separated for so many years. “Hay nako, magaling ka talaga ma
Read more