“Ano namang ginagawa mo dito?” magka-krus ang magkabilang braso na tanong ni Adriana sa nakababata niyang kapatid. Hindi ito sumagot kaagad. Bagkus ay humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga at yumakap dito.Hindi nagustuhan ni Adriana ang ginawa ni Marco kaya agad niya itong tinulak palayo. “Don’t you ever try to do that again. Baka hindi lang ‘yan ang abutin mo sa akin.”Lumunok si Marco. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng sungit na tinatamasa niya. “Huwag ka nang magalit sa akin. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa’yo. Tinawagan ko kasi iyang si Enzo kanina. Nabanggit niyang dinala ka niya dito kaya nagmadali akong pumunta.”“Hindi ka na sana nag-abala. Wala ka rin namang maitutulong!”“Grabe ka namang magsalita, Ate Adriana. Kapatid mo pa rin ako, of course nag-aalala ako sa’yo.”Ngumisi si Adriana. Makailang beses siyang umiling bago tumugon. “Hindi ko kailangan ng simpatya mo kaya puwede ba… umalis ka na!”Ramdam ni Yaya Jona ang bigat ng sitwasyon. Al
Read more