“Under One Roof”Avianna’s POVParang hindi pa rin umaabot sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina.“Kyrex and Avianna will be living under the same roof.”Paulit-ulit ‘yon sa utak ko habang papalabas kami ng Lincoln Mansion. Ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat hakbang ko, parang mas mabigat pa kaysa sa aktwal na katawan ko.Hindi ako agad makatingin kahit kanino.Lalo na kay Kyrex.Tahimik siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero mas nakakakaba ‘yon—yung katahimikan niya na parang normal lang ang lahat kahit hindi naman.Sa loob ng sasakyan pauwi, walang nagsasalita.Si Mom minsan nagsasalita sa harap, pero hindi ko na naririnig. Parang lumulutang lang ako sa sarili kong isip.Living together?Hindi kami kasal.Hindi kami magkasintahan.Pero kailangan naming tumira sa iisang bubong?Para saan? Para sa engagement na hindi namin pinili?Humigpit ang hawak ko sa palda ko.At doon ko naramdaman ang maliit na pangingi
Read more