Jealous Billionaire Alessandra's POV "Goodbye, Drake." Mahina kong bulong habang nakatanaw sa bintana ng taxi. Unti-unting nawawala sa likuran ko ang engrandeng hotel. Kasabay noon... Unti-unti ko ring pilit na iniiwan ang lalaking minsang naging pinakamagandang bahagi ng buhay ko. Napapikit ako. Tama na. Sapat na ang paghahabol. Sapat na ang pag-asa. Kung malinaw na ipinakita niyang wala na akong lugar sa buhay niya... Panahon na para piliin ko naman ang sarili ko. At ang anak namin. Mahigpit kong hinaplos ang tiyan ko. "Promise, baby." "Simula ngayon... ikaw na ang uunahin ni Mommy." Isang tahimik na luha ang muling tumulo. Pero sa pagkakataong ito... Hindi na ito luha ng pag-asa. Kundi luha ng pamamaalam. --- Three Days Later Muling bumalik ang tahimik kong routine. Clinic. Apartment. Trabaho. At pahinga. Paulit-ulit. Mas pinili kong maging abala. Ayokong magkaroon ng oras para isipin si Drake. Habang papalabas ako ng clinic matapos ang regular check
Baca selengkapnya