SHANTALL AGUILAR POV Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon sa loob ng boardroom. Ang aking mukha ay nakasubsob pa rin sa leeg ni Kalix, at ang bawat hikbi ko ay unt-unting napapalitan ng malalalim na buntong hininga. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit, halos posesibong yakap niya. Para bang kapag niluwagan niya ang hawak niya sa akin, bigla akong maglalaho na parang bula. Ang bango niya ang halo ng mamahaling panlalaking pabango, mint, at ang natitirang amoy ng whiskey na ininom niya kagabi ay nagsilbing gamot sa nanginginig kong sistema. Unti-unting kumalma ang nagwawala kong puso. Sa unang pagkakataon mula nung tumakas ako sa probinsya, naramdaman ko na tapos na. Wala na ang mga magulang ko na laging nakabantay sa bawat sulok, handa akong ibenta sa kung sinong mayaman para lang sa bisyo nila. "Are you okay now, Shantall?" mahinang bulong ni Kalix malapit sa tenga ko. Ang boses niya ay wala nang bakas ng galit o pagsusungit ito ay mahinahon na, tila ba natatakot siyang mabasa
Read more