Dalawang Linggo na ang lumipas, buhat nang dalhin siya ni Gustavio sa mansion. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa walk-in closet na malapit lang sa kanyang kama. Ngunit, mas lalo pang lumala ang kanyang nararamdam, nang matinding pagduduwal ang hindi niya napigilan. Patakbo siyang nagtungo sa banyo. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. Alam niyang hindi ito tama. Tanging kaba ng dibdib ang bumabalot sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa salaming na sa kanyang harapan. Pinagpapawisan at may pamumutla ng kanyang mga labi. Agad niyang kinuha ang puting towel na nakalagay sa maliit na kabinet. Hanggang sa maingat niyang pinunasan ang kanyang basang mukha.“Ano ba itong nararamdaman ko? Sobrang sakit ng sikmura ko,” bulong ni Kesha sa sarili.Ilang minuto rin siya sa banyo, bago siya lumabas. Ngunit, sumalubong sa kanya ang lalaking ayaw na niyang makita pa.“Are you sick?” tanong ni Gustavio.Subalit, isang matalim na tingin lamang ang kanyang
อ่านเพิ่มเติม